.. when?
If elephants could fly I'd be a little more optimistic
But I don't see that happening anytime soon
I don't mean to sound so pessimistic
But I don't think that cow really jumped over the moon
When will I wake up?
Why did we break up?
When will we make up?
I'd love to wake up smiling-full of the joys of spring
And hear on CNN that Elvis lives again
And that John's back with the Beatles and they're going out on tour
I'll be the first in line for tickets-gotta see that show for sure
When money grows on trees?
People live in peace?
Everyone agrees..
When happiness is free?
Love can guarantee,
You'll come back to me.. that's when.
------------------------------------------------------------------------------------------------
this was my old buddy [kya' gorilla] favorite song way back high skul days. then, i dont even bother to fully listen to it, but just recently, (last week, i think?) as i peerred to the old files of cd left unnoticed to the dark corner of our sala, i found this cd from shania twain. i feel suddenlly tuned up to listen to songs popularized by her then. weird cause after hearing the song "when", i feel like liking and loving the song for the firs time ( a sense of missing that old buddy of mine.. )
hmmm.. when? just when?
tru_clinE;
tara! gala! |
17.3.07
8:26:00 AM
Bagong Uniporme't Sapatos.
Naaalala ko pa ang papalapit na panahon ng tag-ulan, habang sa patuloy na pagsasaya sa noo'y nagpapaalam na sigla ng araw.. nangingiting isa isa kong binuksan ang mga supot na dahilan ng aking pagkaligalig at di mapakaling pakiramdam.. kakagaling lang namin makapamili noon.. tuwang-tuwa ako. Na kahit sa panaka-nakang sandaling iyon ay sumasagi ang mga napakaraming katanungan na wala akong alam kung paano bibigyang kasagutan, nagpatuloy parin ako..
Masaya akong kinakabahang pumasok sa unang araw na pagtapatk ko sa institusyon iyon. Pakiramdam ko, ako lang ang naiiba nang araw na iyon at tila lahat sila nakatingin sa akin. Suot ko noon ang bago kong uniporme at sapatos. Tunay na natatawa ako twing sa kahit isipin ko lang ang mga tagpong iyon. Isa marahil ako sa mga mukhang walang kamuwang-muwang na pumasok sa paaralang iyon tulad ng mga nakikita ko ngayong halatang bagong salta.
Mag-isa lang ako noong pumasok sa napakalaking lugar na yon, walang kakilala pero buo ang loob na gustong may mapatunayan. Kaya ko naman siguro mag-isa nalang.. ang panay banggit ko pa. Marami, napakaraming mga nangyari at marahil kukulangin ang espasyong ito sa pagsisiwalat ng kung anu man ang mga yon.. Mag-isa lamang ako noon, pero hindi na ngayon..Kung pagsasamahin ko lahat, andon na ang hirap-saya, tuwa-lungkot, tampuhan-pagkakabati, pagiisa-pagsasama, ugaling iba-iba - pusong-iisa..
Ngayon, masasagot ko na ang mga iilan sa katanungang samasagi sa isipan ko non.. "makakayanan ko ba? mag-isa?" - marahil, oo pero hindi ng walang tulong ng aking noo'y para sa aking nakamaskarang kaklase, "masaya kaya ang buhay-kolehiyo?" - hindi, dahil hindi sapat lamang ang katagang masaya para dito, para sa akin, mas higit pa.
Maligaya ako na ang noo'y bagong uniporme't sapatos ko ay natagalang ako'y pakisamahan, kagaya ng mga noo'y kaklase ko lamang sa kursong ito, ngayo'y mga kaibigan ko na. Bagong uniporme't sapatos ko noon na isinusuot ko lamang sa twing may pasok ako, ngayo'y luma't naninilaw na sa mga karanasang pang loob at labas ng silid-aralan. Uniporme at Sapatos na sa loob ng halos limang taon ay maluwang, ngayo'y saksi, nakalakihan ko na, kagaya ng mga kaibigan ko ngayong mga halos kapamilya na..
Lumang Uniporme't Sapatos na hinding hinding ko makakalimutang patuloy na pasasalamatan. Isa kayo sa laging magiging dahilan ng aking patutunguhan, sa ngayon, PAALAM.