s-u-l-a-t
Kailan nga ba nong una kitang makita o mapansin kaya?
Parang napakatagal ko na ata sa eskwelahang ito, pero ngayon lang kita nakita, ang mga malalamig mong matang nakapukol sa akin ngayon, ngayong nakatingala ako pilit kong hinahagilap ang kahulugang iyong inalalaan sa pagkakatitig mo na yon sakin, sa napakabilis na pagdaan ng bawat segundong nababawas nang sandaling iyon, mabagal ko itong hindi maintindihan.."sino ka nga ba?", tangi kong naisaloob. "panung ngayon lang kita nakita? kakaiba..", matapos non ay nanumbalik na sa normal na dimensyong ang kaninay nagulo kong atensyon. "tara na!", pagpapaalala ng isang kaibigan. oo nga pala may klase kami, sumunod ako. "uy.. kilala mo ba yong kaninang lalaki don sa may third year building?", "sinu?" sagot ng aking kasama. "ung third year? laging tambay don sa may taas ng building nila?" "ung singkit na maputi?", tanong ko, "ah! basta! oo kilala ko na, bakit?" ulit niyang tanong. "la lang, cute ba siya?" "may hitsura siya diba?", ang sabi ko pa. "oo,.. pero mas cute parin ung crash ko sa kanya.." agad niyang sagot. "hehe..oo nga!", dagdag ko. "bakit? crush mo na naman.." sabi pa uli niya. "hindi no! wala lang kakaiba, ngayon lang natin siya napansin kasi eh..", pagtatapos ko.
"dadaan kaya dito sila kim? may klase pa ata sila eh!", pangingibabaw ng boses ko sa estrangherong gusaling iyon.. "ay naku! hanap nalang tayo ng mga cute dito!" sabi ng isa kong kasama. "sige!" agad naming napagkasunduan.
"dito yon, lagi..", naisip ko habang inaalisa ang lugar na aking kinatatayuan. "miss! miss!", napalingon ako kasunod ng aking mga kasama, "anu daw pangalan mo? sabi niya..", sabay turo sa isang lalaking naging pangunahing karakter nalamang lagi sa mga malalalim kong isipin. kailangang hindi ako kabahan, wala lang to, pangkaraniwan, hindi naiiba. pagpapalakas ko sa kanina pang biglang pagkabog ng aking puso. "talaga? sino?", nasabi ko na lamang. "anu daw muna pangalan mo?", agad niyang idinagdag. "zmzkxm" pagsiwalat ko sa tunay na pangalan. "anung year ka na daw?", sinunod niyang tanungin. "2nd year..", sagot ko. "hahaha!!!.." "2nd year pa pala eh!" malakas nilang naisabi. "anu naman kaya kung 2nd year lang ako?", yamot kong naisaloob. "eh bakit siya? anu pangalan niya?", tyempo kong tanong para sakanya. "zoqhk", sagot ng kanyang kanina pang tagapagsalita. "hahaha!!!", "di ko kayang tanggapin!", agad kong paggaya sa isang kilalang personalidad na kapangalan niya. "oh my gosh! zoqhk boy?" "hahaha!!!", balik kong pangaasar sa hanggang sa oras na iyon ay hindi lubusang naniniwala sa nakalap na kasagutan. "zoqhk nga! oi! oi! sabay daw kayo sa paguwi.. uy..!!!", sabi ng isang kasamahan niya. "talaga lang ah!", sagot kong kunwaring nakikipaginisan. "eh ikaw? anung pangalan mo?", tanong kong mismo sa kanya. "ah.. si zoqhk lang eh!", natarantang sagot niya. "hindi ikaw gusto ko eh!", hindi ko lubos maintindihang pangiinis ko pa lalo sa kanya. "uy! labasan na! oi! sabay nga daw kayo ni zoqhk", pangtataboy niya.
napakatagal.. pakiwari ko, ang isang minutong halos lamang na naging pag-asa ko ng sandaling iyon, para makaharap siya ng malapitan ay hindi nangyari. umasa ako. bakit pa kasi ako naniwala sa huling sinabi ng kaklase o kaibigan niya kanina? "sabay daw kayo..", alam kong hindi mangyayari iyon pero naniwala parin ako. sayang, pagkakataon ko na sana. pero kahit ganon, masaya akong malamang interesado siya.. teka.., 'siya' nga ba? hindi ba't sa buong pangyayaring naganap na iyon ay wala maski anuman siyang naging reaksyon? sa pambubuyo ng mga kaklase niya? pero paano? paano nila malalaman kung hindi man lamang niya nasabi o nabanggit sa kanila? pero panu ko ba maieksplika ang paraang pag-iwas at paglayo niya ng silay mag-uwian na?
iyon ang simula, ang simpleng pag-ignora niya sa mga pagtatangkang kausapin ko siya, na naghatid lamang sa akin ng mas lalong kagustuhan kong makausap at mapalapit sa kanya..
"anu ba! cline! ang gwapo nga niya! no wonder kaya ganyan ka ka-hooked na sa kanya.. matangkad, matalino, chinito.. pero ang sama ng ugali niya! kala mo kung sinong suplado!", lahat halos ng kaibigan ko, ayaw sa kanya, tigilan ko na nga daw. pero hindi ko maiwasang ang simpleng pagkahanga ko nong una sa kanya ay lalalim pa sa mas hindi ko nais banggitin na sagradong aspeto, ang 'pag-ibig'. "siya lang ang bukod tanging ginusto ko ng ganito", naisaloob ko. "anung nagawa ko sayo? bakit parang hindi man lamang ako nabubuhay sa kasalukuyang mundong ginagalawan mo?".
ilan na ba? ilan na ba ang mga nagustuhan ko sa loob ng malaking kampus na ito? wala ni isa sa kanila kailanman ang inignora ako ng katulad ng ginagawa mo..
Sulat. ito ang natatanging paraan ko para makapagpaliwanag sa kanya sa lahat ng pangaasar namin sa kanya, pagpaparinig, pagpapapansin, pangiinis,.. sasabihin ko na ang dahilan, ang dahilan kung bakit sa tuwing dadaanan siya ay sa halip maayos siyang batiin ay hindi ko ginagawa, kundi ang asarin lamang siya, pagtripan. ang dahilan, na sa paraan lamang na yon, kaya ko siya pakiharapan, magkaroon sa parte ko ng pagkakataong malapitan at makaharap siya, makausap..,na kahit sa sandaling pagdaan niya ay ikinasisiya ng buong araw ko na, na wala akong ibang lakas ng loob, na maging kabaliktaran ng pagiging mabait sa kanya, sa paraan kasing iyon ay naihahanda ko na, ang laging reaksyong pagkadismaya, pagkapahiya sa pag-ignora niya. mahal ko na siya, hindi ko alam kung kailan, paano, at san ko naramdaman, pero ngayon alam ko na..
'mahal kita. hindi ako 'patawa', gaya ng naisatinig mo na. pasensiya at patawad sayo, ngayon alam mo na. wala akong hinihinging kapalit na isagot mo, pero ang simpleng pagtanggap mo sa sulat na ito at pagtago ay mangangahulugang para sa aking tinatanggap mo ang aking patawad, kung hindi naman, maaaring pakibalik na lamang ito, salamat.'
nagdaan ang mga araw, linggo at buwan ay nasisiyahan naman akong malamang hindi niya ito isinoli sa akin. masaya ako, kasi sa totoo lang hindi ako sanay sumulat sa isang lalaki, lalong lalo na kahit para paman ito sa isang hinahangaan.. ang kauna-unahang lalaking aking sinulatan, ay 'siya' lang.
isang taon. pagkalipas ng isang taon, ipinaabot niya, marahil don naman talaga siya magaling sa pagkakaronn ng mahusay na tagapagsalita at alalay. ipinaabot niya ang isang papel na nooy naging napakahalaga sakin, isang napakapamilyar na papel na nooy aking iningatan, ang sulat ko sa kanya. ibinalik niya. "eto daw ang eksaktong petsa ng isang taong napasakanya tong sulat, ibinabalik na niya..", ang sabi ng nagpakilala niyang kaibigan.
habang tinititigan ang pawang naging estranghero saking sulat ko na iyon, hindi ko napansing napaluha na pala ako, pero agad ko rin naman itong binawi. babasahin ko pa sana, pero naisip ko, hindi na kailangan, memoryado ko na ito dati pa bago ko pa ito ibinigay sa kanya.
kasunod noon ay marahan akong napangiti. hindi na. ayaw ko na. hanggang dito nalang sa sulat ang kabanatang naguugnay saming dalawa, tatapusin ko na.
pawang mga puting paru-parung nilipad ang bawat piraso ng papel na pinagpunit-punit ko nong mismong araw na yon.
Ngayon, burado na ang ebidensiya sa buong buhay ko ng may natatangi at kauna-unahang akong sinulatang lalaki.
------------------------------------------------------------------------------------------------
masaya talaga ang buhay high school, maswerte kang bumabasa nito kung nasa kasalukuyang sandali ka ng high school buhay mo.
la lang, medyo nagkaroon ako ng inspirasyong gawing semi-nobela ang kwento kong ito tungkol sa isa kong crush non, na sinadya ko nga palang lagyang ng code.. heh..paki decode nalang.. okey. :)
kaya ganon na lamang din ang pagkahumaling ko sa palabas na ISWAK, sobrang nakakarelate kasi ako sa pangunahing karakter na babae sa palabas. haha!loser? oo, ako na nga ata yon, nakakaasar, sa kabila kasi ng lahat ng pagdedeny ko noong una na hindi ko na siya gusto at gugustuhin pa ay tuluyan naging dahilan pa rin siya sa kakumpletuhan ng bawat araw ko non.
ngayon, sobrang tagal na nong huli ko siyang makita. natatawa nalang akong isiping kahit pala ang kasalukuyan kong nobyo noon ay hindi ko man lang pala nasulatan. napakarami na na nangyari. pero sana maayos at mabuti siyang kalagayan. at sana balang araw, makita ko uli siya. nais ko siyang pasalamatan at kung hindi dahil sa kanya , hindi ko mararanasan ang mga pangyayaring iyon sa buhay q, dahil sa kanya naging kapanapanabik ang mga araw ko sa high school, nang dahil sa kanya may natutuhan ako, nang hindi dahil sa kanya at sa sulat kong iyon, hindi ko na alam pa..