+ aBlogger +
since+Jan+2005
3.1.06
7:14:00 PM
"Ang Hangal na Manlalakbay"
Ito ay isang kwento tungkol sa isang manlalakbay na tinaguriang isang 'Hangal'.
Kayamanan, salapi, magandang pamumuhay ay nasa kanya na pati narin ang pagkakaroon niya ng likas na kabutihan sa kapwa ay meron din siya.
Ang paglalakbay sa ibat-ibang lugar ang ikinasisiya niya..
At lagi nalang sa paglalakbay niya ang mga bayang nadadaan niya ay hinihingan siya ng tulong na kahit minsan naman itoy kalabisan na.
"Iho, maawa ka, pahingi ng gamot ... uho!uho!" sabi ng isang matandang babae..pagkasabi nitoy agad naman niyang iniabot ang lahat ng pera na dala niya sa awing nadarama niya para dito nang hindi nalalaman kung totoo nga bang nangangailangan ito.
Hanggang sa nagsunuran na rin pati ang mga kanayunan nito..
"ako din kailangan ko din ng salapi pambili ng mga pataba saking pananim.." sabi ng isang matandang lalaki.
"naku, iho ako at ng aking pamilya rin ay nangangailangan ng pambili ng pagkain." Sabi ng isang may katamtamang edad na babae.
"kami din.."
"ako din.."
"dito pa.."
At lahat na ngay humingi ng tulong sa kanya..
At pawang lahat din ng itoy tinulungan niya..
Lahat-lahat ng kung aning meron siyang pwedeng ibigay ay ibinahagi niya pati narin ang mga natitirang mamahaling mga damit niya ay ibinigay niya para lamang sa kapalit sa pasasalamat ng mga ito sa kanya..
"salamat, iho"
"salamat po sa inyo"
"naku! Salamat malaking tulong ito.."
"maraming salamat sayo amang"
lahat ng mga katagang ito ay lubusan niyang ikinasiya..para sa kanya lahat ng itoy sapat na...
sa kabilang dako namay..
"isa siyang hangal.. haha.."
"kahangalan ang ginawa niya.."
"hangal talaga siyang maituturing.."
"biruin mo lahat ng meron siya ay ibinahagi na niya..haha!! at tayo lahat ang nakinabang non! Haha!!"
"Hangal!!!"
"hahaha! Anu pa ngayon ang silbi niya? Wala na siya maski ano... kahihiyan na lamang siya ngayon"
At ang lahat nga ng kanyang natulungan ay sabay sabay na lamang naghalaklakan..
"umwahaha!!! "
"ang Manlalakbay na Hangal!"
Ngunit sa kabila ng ito hindi ito narinig ng naturingan nilng manlalakbay na 'hangal'… Sa halip lubusang kaligayahan lamang ang naramdaman niya ng mga panahong iyon para sa kanya sapat ng kapalit ang mga ngiti sa mukha ng buong nayon at ang sa pagaakala niyang taos na pasasalamat ng mga ito.
At dahil narin sa pati mga natitira niyang saplot ay naipamahagi na rin niya.. naisipan niyang magtago na lamang sa kagubatan, dala na rin ng hiyang naramdaman niya para sa sarili niya.. naisip niyang wala ng dahilan para tumigil sa kanayunan,
"paano na lamang kung may makita aqng isang nangangailangan? Paano ko pa siya matutulungan? Kaya mas mainam na sa gubat nalamang ako maninirahan.."
Ito na lamang ang mga katagang naisaisip niya..
Hubad siyang nagpalakad lakad sa kagubatan..
Sa paglalakad nakatagpo siya ng mga halimaw na naninirahan doon. Mga halimaw na sabik sa isang taong katulad niya..
Masugid itong sinuyo siya para pumayag siyang magpakain sa mga ito...
"sige na pumayag ka ng kainin namin...
nagugutom na talaga kami...grrrraaaaawwwwwl!"
At di nga nagtagal ay pumayg siya dahil nakadama siya ng matinding awa sa mga ito...
Inaalay niya nag bawat parte ng katawan niya sa mga ito...
At isa isa ngang pinaghatian ng mga halimaw ang bawat parte ng katawan niya hanggang sa ang isa niyang mata ay kunin na rin ng isang halimaw.
Nang isang mata nalamang ang natira sa kanya. May inihandog ang mga halimaw sa kanya. At kasabay din ang buong bigkas ng mga ito ng pasasalamat sa kanya...
"salamat!"
"maraming salamat!"
"ngayon malakas na kami.."
"salamat.."
Wika ng mga nabusog ng halimaw.
Sa mga narinig na katagang ito… lubusang nagalak ang 'hangal' na manlalakbay sa pagaakalang siya ay lubusan naging kapakipakinabang para sa mga ito... maligaya siya sa kabila ng ngayoy wala na ang ibang parte ng katawan niya...
"At kung hindi dahil sa mga bahagi ng iyong katawan na ipinamahagi samin tuluyan na nga kami ngayong lumakas"
"haha... tunay na ngang may likas kang kabutihan kahit isa kang...
... Hangal."
At ang huling katagang binitiwan nga nitoy hindi na rin niya narinig. Maingay na masyado ang mga halimaw na nakapalibot sa kanya,
"Salamat."
Para sa kanya ito lamang mga katagang iyon ay sapat na.
At may iniabot ngang regalo ang mga ito sa manlalakbay... kapalit ng kabutihang ibinahagi niya... pagkatapos ay nilisan siya ng mga ito.
Naiwan siya at ang kalakip na regalo ng mga ito. Nang itoy buksan niya isang sulat ang nakapalakip dito, papel na may nakasulat na "Hangal"
Sa halip na makadama ng galit sa katotohanang natuklasan niya sa isang sulat ay napaiyak na lamang siya...
"ang saya ko! Maraming salamat! Kayo ang kauna-unahang naghandog sa akin ng isang regalong tulad nito... Salamat... "
At sa huli nga ay nasabi din niya ang mga katagang lubusang nagpasiya din sa kanya... sa pagkakataong ito nga lamang ay siya naman...
"Salamat." naisawika niya.
Pagkatapos nga noo'y hindi niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha...
Dahil sa iisa na lamang ang mata niya tuluyang wala na siyang nakita at ang natirang parte ng katawan nyay ulo na lamang ay tuluyan nawalan narin ng silbi nang pati ito ay kainin narin ng mga halimaw...
At tuluyan na nga siyang namatay nang dahil doon…
Ngayon.
Sa tingin nyo, isa nga ba siyang 'Hangal'?
Kahangalan nga bang maituturing ang nagawa niya?
-----------------------------------------------------------------------------
Nalaman q tong kwento nato sa cartoon series na 'fruit basket'. Hindi yon isa sa mga personal qng paborito na anime'. Sadyang nailipat q lamang ang channel at tamang tama na ang kwento ng 'hangal na manlalakbay' ang isinasabuhay nito. (naku! Sori medyo na revised q lang ng konti to! Pero andon parin nmn yong essence ng story eh! Hehe..)
Ang weird lang kasi, the story hit me hard. Napaiyak aq sa kwento niya.. (to think na cartoons lang siya.. haha! Napaka tearjerky q talaga!)
Pero bout don sa huling katanungang, kung isa nga ba siyang 'hangal'...
Personally, masasabi qng oO, napakahangal niya para isipin pa ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya...
Sadyang ang mundo nga natin ngayon ay puno ng mga manlilinlang at dapat lamang na maging mapanuri at mautak tayo..
Ngunit iba ang manlalakbay na nasa kwento, lahat ng itoy isinantabi niya at ang kinailangan niya lang ai ang kanyang puso para makapamuhay siya.. Hangal ngang maituturing na kahit minsan ai hindi man lamang niya naisip kung nililinlang naba cia ng mga nilalang na nakapalibot sa kanya..
Pero sa kabila ng mga paniniwala q sa buhay na akala koy sapat na, may natutuhan aq mula sa manlalakbay na iyon.. at lubusang ikinainggitan q ito sa kanya..
Masaya niyang nilisan ang kanyang buhay.
Na sa ngayon ang mahihiling q lang ay makontento at gaya niya maging maligaya. Maging masaya sa kung ano ang meron ka, may kayamanan ka man o kahit walang wala na talaga...
Haha! Naku maxado na ata akong madrama dito! Haha! Nakakapanibago naman... :)
La lang matagal nang hindi aq nakakasulat ng gaya nito.. naway ngayong bagong taon makontento at magpasalamat tayo sa kung anuman ang naiwan natin ng nagdaang taon...
Gawin mo ang sa tingin mong nararapat! Maging masaya ka!
Sa wakas! Bagong taon na! Hindi man natin mababago ang bahagi kung san tayo nagsimula.. sadyang parte prin ito ng ating buhay subalit isaisip na nasa atin din ang lahat ng kapangyarihan para baguhin o mabago ang magiging kapalaran at wakas nito. Gawing isang magandang katapusan.
Muli,
"Salamat."
Maligaya akong napadaan ka... aking hangal na manlalakbay... :)
tru_clinE;
tara! gala! |