..matagal kami sa ganoong sitwasyon.
ako na nakatunghay nang matagal sa mga malalambot na kamay na nakahawak sa dalawa ko ding kamay..
at 'siya' sa patuloy na pagiyak..
gumawi ako sa direksyon niya, ang panay na pagbuka ng kanyang mga bibig na wariy may mga katagang iniiwan ay hindi ko marinig, hindi ko maintindihan, isang saglit lamang ng akoy matauhan..
bakit pa ba kasi?
bakit ko pa ninais itanong ang bagay na sa una palang ay wala naman talaga akong balak malaman..
siguro nga, ninais ko din..
pero bakit? bakit ng sandali na iyon, na hindi pa pala ako handa?
maLaman', malaman' ang mga bawat katagang ipinagpaalam' niya, nakakatangis na mga inpormasyon..
sinubukan kong magtanong agad, tanda ng pagbalik ko sa mundong iyon, wala.., hindi ko ulit ito maintindihan,..
uli. natauhan, wala, hindi ko maramdaman ang dapat maramdaman ng isang taong maaaring mawalan ng mahal sa buhay.. mahal sa buhay? marahil hindi.. galit? hindi rin.. o sadyang hindi ko lang din alam..
luha. hindi ko ito namalayan, maaari bang mauna ang pagluha sa dapat mong maramdaman?
kasabay ng mga patak na iyon ay ang paghagilap ko sa tunay ko dapat na maramdaman..
sa mulit muli, wala. pero kasabay parin non ang patuloy na pagluha ko..
hindi ko maintindihan, hindi na ata gumagana ang eherhiya na nagpapatakbo sa utak ko, wala akong maisip.
maaari. hindi. maaari kayang walang maidahilan ang utak ko sa pagluha at ang puso ko ngayon ang patuloy saking nagpapaluha? marahil ayaw makisama ng utak ko, o manhid na rin ito kagaya ng puso ko?
naaawa?, hindi kaya?. nahihiya?. nakikisama?
natatakot. natatakot ako sa mga napakaraming posibilidad.
takot akong makita uli siya,
takot ako sa naging reaksyon ko nong una,
tako ako bilang anak 'niya'..,
nagagalit ako sa tadhana hindi sa kanya..,
nagaalinlangan ako sa lahat ng pinasabi 'niya'..,
nakakapagod. nakakapagod din palang paniwalain ang sarili na kompleto ka na,
hindi ko kailangan ang presensiya 'niya'..
natutuwa ako. may alaala pa pala kami sa 'kanya'.