25.8.06
10:46:00 AM
ikaw,
ikaw ang lahat ng aking magiging dahilan kung bakit ako magiging..
ikaw na kinamumuhian ko,
ikaw na walang tiwala sa akin,
ikaw na nagpapasya para sa mga magiging galaw at pasya ko..
ikaw na nagaakalang marunong, magaling, ang laging may alam,
ikaw na galit sa mundo,
ikaw na isinusumbat ang lahat..
ikaw na mababaw,
ikaw na walang alam,
ikaw na mayabang,
ikaw na madamot,
ikaw na pinagtaksilan,
ikaw na mapang-api, ikaw na akala'y lahat ay alam..
ikaw na nagaakalang hindi ko mararating..
ikaw na hindi naisip ang aking kahalagahan,
ikaw na kinamumuhian rin ako,
ikaw na nakakatanggap, tumatanggap,
ikaw na nagpapanggap..
ikaw na dahilan ng lahat ng patak na luhang iniyak ko..
para sayo, hayaan mo napakakonting panahon na lamang, mawawala na rin ako sa paningin mo..
konting panahon na lang, aalis na rin ako..
konti na lang, lalaya na ako..
napakasaglit nalang, matitigil rin ito, makakabayad rin ako, bibilangin ko lahat- lahat ng alam kong pagkakautang ko sayo..
lahat..isosoli ko, hintayin mo..
tru_clinE;
tara! gala! |
|