ang pagkanta. nong bata pa lang ako ang musika na kinagisnan ko, kinalakhan ko ang pakikinig sa mga tugtuging pinakikinggan at inaawit ng tatay ko..wala atang okasyon nong bata ako na hindi nila ako pinapaawit, madalas pa nga, binibigyan pa nila ako ng salapi..kahit pa pagkatapos noy puro laway ko na ang nakapaligid sa mikropono..hindi ko kasi dati alam ang tunay na paggamit non, dati akala ko lamang dito ay laruang sinusubo habang kumakanta..lumaki akong lito sa kakayahang dala ng musika..kahit sa pinakauna kong naisaawit, kantang 'from the distance', hanggang ngayon, hindi ko parin maunawaan..
naalala ko. may 'recorded tape' pala ako non..nakakaaliw na may halong pagkahiya ang nadarama ko sa tuwing tinatangis ko ang mga alaala ng maliliit at matitinis na tinig kong iyon. ang tinig na nagpapaalala ng aking pagkamusmos, nakakatuwa nairekord pala 'niya' iyon..
dumating din sakin ang panahon na nagsawa at tinalikuran ang sa unay nagpapaligaya sakin..ikinahiya ang natatanging abilidad na kinalakhan, lumayo.. nagpatuloy sa pagdiskubre ng mga bagay na maaaring kahiligan ko, nakipagkaibigan at nakipagibigan.. sa eskwelahan ko mas ninais hanapin ang mga hindi ko mahanap sa mundong kinamulatan ko, kinalimutan lahat ng pwedeng ikalimot..sa pagkawala 'niya' tuluyan naring iwinaksi ko ang mga tinig na nakakapagalaala sa kanya.
kasabay nang napakatagal na paglimot ngunit hindi naman tuluyang nawala, sa isang bahagi na iyon, tuluyan ko itong inihinto.
naging mabait ang panahon, nagkaroon ako ng mga kaibigang hindi ko inaakalang hanggang ngayon ay katiwala ko, wala kahit anuman sa una silang ideya..ideya sa isang bahagi ng pagkatao kong iyon, pero yon ang mas ninais ko ang wag nilang makilala ng tunay na ako..,
kailan lang nang malaman nila ang totoo, kailan lang din ng akoy magpakatotoo, kailan lang nang balikan ko ang maliliit na tinig na kinahihiya ko, kailan lang nang pakawalan ko ang pagkamuhing balot ng puso ko, kailan lang nang madiskubre kong 'hindi na' kakabit ng maliit na tinig na yon ay ang mga yapos at palad 'niya', naaalala ko pa, naaalala ko na, ang mga naging pagaaruga niya, naaalala ko na.. 'nandito' pa rin sila lahat, lahat.
ngayon, gusto ko na uling mangarap..